Naaresto ng mga operatiba ng Mabini Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng 2nd Davao de Oro Provincial Mobile Force Company ang isang wanted person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Cuambog, Mabini, Davao de Oro.
Ayon kay Police Colonel Cesario D Dukiling Jr., Provincial Director ng Davao de Oro Police Provincial Office, ang pag-aresto sa naturang suspek ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Municipal Trial Court ng Alangalang, Leyte, kaugnay ng kasong Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority.
Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa patuloy na pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa mga wanted persons at sa mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas. Ipinakikita rin nito ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa lalawigan ng Davao de Oro na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Davao de Oro Police Office



