Tuguegarao City, Cagayan – Matagumpay na nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang Valley Cops sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 at dinaluhan nina Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration bilang PNP Focal Person ng Duterte Legacy Caravan at USec. Jose Joel Sy Egco, Presidential Task Force on Median Security ng Presidential Communications Operations Office.
Katuwang din ng Valley Cops sa aktibidad ang National Coalition of Advocacy Support Groups and Force Multipliers at ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na naghandog ng kanilang mga serbisyo at nagbigay kaalaman tungkol sa kanilang mga kasalukuyang programa.
Samantala, isang dating miyembro naman ng Communist Terrorist Group ang nagbahagi ng kaniyang mga pinagdaanang hirap noong siya ay kasapi pa ng nasabing grupo.
Nagbigay din ng mensahe ang Regional President ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Cagayan Valley na si Bb. Angie Lappay kung saan hinikayat niya ang mga kapwa niya KKDAT na mas lalo pang palakasin ang kanilang hanay upang mapagtagumpayan ang laban tungo sa pagbabago.
Patuloy naman ang PNP kasama ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsulong ng Whole of the Nation Approach upang maihatid at maipadama sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga nasa laylayan ang serbisyong nararapat para sa lahat.
Source: Police Regional Office 2
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes