PRO 12, nakiisa sa Symposium and Awarding of Stakeholders sa Sultan Kudarat

0
22

Nakiisa ang pamunuan ng Police Regional Office 12 sa pangunguna ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director sa ginanap na Symposium and Awarding of Stakeholders sa Sangguniang Panlalawigan Hall, Sultan Kudarat Provincial Capitol, Isulan, Sultan Kudarat noong Hulyo 31, 2026.

Layunin ng aktibidad na kilalanin ang mahalagang ambag ng mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, mga local government unit (LGU), at iba pang community stakeholders na patuloy na nakikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Binigyang-diin din sa pagtitipon ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa komunidad.

Kasama ni PBGen Manibog ang mga opisyal ng lalawigan at iba pang partner stakeholders sa muling pagpapatibay ng kanilang sama-samang adhikain na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at matatag na pamayanan sa pamamagitan ng matibay na ugnayan at aktibong pakikipagtulungan.

Ang tunay na tagumpay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pulisya, pamahalaan, at mamamayan. Patuloy nating palalakasin ang ating ugnayan upang makamit ang isang ligtas, maayos, at maunlad na komunidad para sa lahat. mensahe ni PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply