Southern Police District — Tinatayang Php1,401,592 ang kabuuang halaga ng shabu ang nasamsam sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng SPD gabi ng April 27-28, 2022.
Ayon kay SPD District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg, bandang 8:40 PM ng Miyerkules nahuli sa buy-bust ng mga operatiba ng SDEU Makati City si Noel Herrera y Lonzano alyas “Boss” sa Osmeña St. corner Pateros St., Barangay Valenzuela, Makati City.
Narekober sa kanya ang isang knot tied transparent plastic na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 105 gramo at may Standard Drug Price na Php714,000, isang libong piso na ginamit bilang buy-bust money, 159 piraso na Php1,000 boodle money, isang brown paper bag, at isang pulang eco bag.
Dakong 10:50 naman ng gabi naaresto ng SDEU Parañaque CPS at Police Sub-station 4 ang magkapatid na sina Ramon Alcatin Villoga, 38, at Mary Grace Alcatin Villoga, 29. Nakuha mula sa kanila ang apat na small heat-sealed transparent plastic sachet na umano’y shabu na tumitimbang ng 15 gamo at nagkakahalaga ng Php102,000, isang black coin purse, at isang libong piso na ginamit sa buy-bust money.
Timbog din sa buy-bust ng SDEU Muntinlupa CPS bandang 11:10 ng gabi sina Rasdie Bagonte y Ali alyas “Pao”, 25, at Rustico Mantilla y Alinsub alyas “Ikong”, 45, sa Osmeña St. corner Pateros St., Barangay Valenzuela, Makati City.
Nakumpiska sa dalawa ang humigit kumulang 15 gramo na may street value na Php102,000, at Php500 buy-bust money.
Samantala, tatlo naman ang nahuli sa harap ng K-MAC’S Burgers and Wings, Lontoc St., Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City bandang 11:37 PM sa pinagsanib puwersa ng SPD DDEU, DID, at DMFB-SPD.
Kinilala ang mga suspek na sina Julius Palma Esto alyas “Habal”, 40, kilalang pusher sa lugar; Roger Dizumimba Dimacuta, 39; at Mary Jane Luminda Aga, 28. Nasabat mula sa kanila ang 18 heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na tinatayang 37.3 gramo at nagkakahalaga ng Php253,640.
Sa pareho pa ring petsa, arestado naman ng SDEU Taguig CPS si Mastura Lampay y Alim alyas “Tords”, 32 sa kahabaan ng Pineapple St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City kung saan nakuhanan sya ng apat na umano’y heat-sealed transparent plastic sachet shabu na humigit-kumulang 12 gramo at Php81,600 ang halaga, Php500 buy-bust money, isang improvised handgun, isang .38 caliber na live ammunition, at isang pink na belt bag.
Kaninang madaling araw naman, bandang 1:20 AM ng April 28, 2022, tiklo ng SWAT at TMRU ng Taguig CPS si Francisco Masangkay y Patrimonio, 47, sa mismong bahay nya sa Sitio 2, Blk 9, Sitio 2, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City sa bisa ng Warrant of Arrest na nagresulta sa pagkakakumpiska sa more or less 22.4 gramo at Php148,352 ang halaga, dalawang coin purse, at isang maliit na kahon.
“Pinupuri ko ang mga operating teams sa kanilang patuloy na operasyon kontra ilegal na droga na humantong sa sunod-sunud na pagkakaaresto ng mga drug suspects at pagkakakumpiska ng malaking halaga ng shabu. Makakaasa po kayo na hindi po kami titigil sa aming operasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga sa ating nasasakupan,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos