San Fernando Romblon – Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan sa pamamagitan ng Community Outreach Program na may temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran” ang San Fernando PNP sa Barangay Otod, San Fernando, Romblon nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jeaneth Binasoy, Officer-in-Charge ng San Fernando MPS, kasama ang mga tauhan ng San Fernando MPS, iba’t ibang sangay ng Lokal na ahensya sa bayan, Bureau of Fire Protection (BFP) at Rural Health Unit.
Nagsagawa sila ng Libreng Checkup at nagbakuna ng COVID-19 booster sa mamamayan, namahagi ng gamot o Anti-Galis ng mga aso, pamurga, nagbigay din ng buto na pananim at nagrelease ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) at Fire Safety Evaluation Clearance (FSEC).
Ayon kay PLt Binasoy, ang San Fernando PNP naman ay nag-issue ng Libreng Police Clearance para sa ating mga first time job seeker at namigay ng food packs sa mga IPs ng nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na ito na mas lalo pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng iisang layunin na kung saan ay makakatulong sa ating komunidad.
Source: San Fernando MPS
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus