Davao City – Matagumpay na naiturn-over ng Revitalized-Pulis sa Barangay ang Quick Impact Project (QIP) na Carwash Vendo Station para sa mga miyembro ng Peoples Organization (POs) na Malagos Gumalang Motors and Tricycle Operator Driver’s Association (MGMTODA) ng Purok 2, Brgy. Gumalang, Baguio District, Davao City, noong Abril 26, 2022.
Ito ay dinaluhan nina PLtCol Nolan Raquid, Chief, City Plans and Programs Unit/RPSB Overall Coordinator; PLt Hazel Tuazon, R-PSB Focal Person; PLt Alvin Pinapit, 1st City Mobile Force Company 4th Platoon; Punong Barangay Elena Acain at Kagawad Michael Taperla (Committee on Traffic and Transportation).
Ang nasabing proyekto ay nabuo sa pagsisikap ng R-PSB Cluster 6 sa pangunguna ni PLt Rizalito Clapiz III at sa pakikipag-ugnayan kay PMaj Ricky Obenza, Station Commander ng Baguio Police Station PS11 katuwang ang mga private stakeholders na malaking tulong sa mga miyembro ng nasabing organisasyon bilang bahagi ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita