Tuba, Benguet – Ipinagdiwang ng Tuba PNP ang ika-77th Tuba Liberation Day sa Municipal Ground, Poblacion, Tuba, Benguet noong Abril 26, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Leonard Danasen, Chief of Police, Tuba Municipal Police Station na sinimulan sa pamamagitan ng entrance of the colors, pag-alay ng mga bulaklak, wreath-laying ceremony at sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit.
Pinakatampok sa aktibidad ay ang pagbigay ng 21-gun salute bilang pinakamataas na parangal para sa mga bayani ng Tuba na nakipaglaban sa mga tropang Hapones upang palayain ang munisipyo noong 1945.
Nagkaroon din ng pag-awit ng Himno ng Cordillera, Benguet at Tuba Hymn; ritwal; at isang maikling programa.
Nakilahok sa pagdiriwang ang iba’t ibang balo, anak ng mga beterano, miyembro ng VFP Sons and Daughters Association Incorporation (VFP-SDAI), opisyal at empleyado ng munisipyo, pulis, miyembro ng iba pang pambansang ahensya at publiko.
Layunin ng aktibidad na ipamulat sa mga mamamayan ang kabayanihan ng Pilipino para makamit ang kapayapaan at katahimikan ng komunidad.
Source: Tuba MPS
###