Taguig City – Nakumpiska ang tinatayang Php231,200 halaga ng shabu at mga baril sa joint operation ng Taguig City PNP nito lamang Martes, Abril 26, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Lobrex Kalatong y Katuwal, 39, tricycle driver at Salipada Ibad y Mantugay, 35.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang mga suspek sa Road 18, Maguindanao St. Brgy New Lower Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng Sub-Station 9 kasama ang Mobile Patrol Unit (MPU), Taguig Peace and Order Unit (TPOU), at SPD-DMFB Intelligence Section kaugnay sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng PNP.
Nakarekober sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 34 gramo at may Standard Drug Price na Php231,200, isang Colt MK IV/SERIES 70 Cal. 45 na walang serial number, at isang magazine na kargado ng limang cal. 45 na live ammunition.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng Omnibus Election Code at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Binabati ko ang mga operatiba ng Taguig CPS sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga ilegal na baril at droga. Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na huwag magdalawang-isip na isumbong sa ating pulisya ang mga gumagawa ng ilegal sa inyong pamayanan,” dagdag ni PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos