Nagsagawa ang mga tauhan ng 5th Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Negros Island Region, ng isang Outreach Program sa Tayawan Elementary School sa Bayawan City nito lamang ika-29 ng Hulyo 2026.
Sa naturang aktibidad, namahagi ang mga kapulisan ng school supplies at food packs sa mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang pag-aaral at matugunan ang ilan sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang simpleng handog na ito ay nagdulot ng ngiti, pag-asa, at inspirasyon sa mga batang patuloy na nagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap.
Pinatutunayan ng gawaing ito ang paninindigan ng 5th Company RMFB NIR na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nakikita sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa taos-pusong pakikiisa at pagtulong sa komunidad.
Sa bawat hakbang ng paglilingkod, patuloy na pinatutunayan ng Philippine National Police na ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa pagpapanatili ng kapayapaan, kundi sa taos-pusong pagmamalasakit at pagbibigay ng pag-asa sa bawat mamamayan na nakabatay sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos



