Mainit na sinalubong ni Police Colonel Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, kasama ang Command Group, Provincial Staff, at mga opisyal, ang mga tauhang ligtas na nagbalik mula sa Metro Manila matapos matagumpay na magsilbing Civil Disturbance Management (CDM) Contingents sa pagpapatupad ng seguridad para sa 2026 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nito lamang ika-28 ng Hulyo 2026.
Ang matagumpay na pagganap ng mga tauhan ng Isabela Police Provincial Office sa nasabing national security mission ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon, kahandaan, disiplina, at propesyonalismo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pambansang seguridad sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng bansa.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni PCol Bringas ang mga nagbalik na kapulisan sa kanilang ipinakitang katapatan sa tungkulin, mataas na antas ng propesyonalismo, at matatag na paninindigan sa buong panahon ng kanilang deployment. Binigyang-diin niya na ang kanilang matagumpay na misyon ay patunay ng kahandaan at kakayahan ng kapulisan ng Isabela na tumugon sa anumang hamon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Patuloy na pinagtitibay ng Isabela Police Provincial Office ang kahandaan at kakayahan ng bawat pulis sa pagsasagawa ng mga misyong naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bansa, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Isabela Police Provincial Office



