Arestado ang isang 30-anyos na wanted person na may alyas na “Jee-Ar” matapos itong madakip ng mga operatiba ng San Juan Municipal Police Station (MPS) Tracker Team sa bisa ng warrant of arrest bandang 9:48 ng umaga noong Hulyo 27, 2026 sa Brgy. Refaro, San Juan, Ilocos Sur.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Benjamin S. Raquedan, Chief of Police ng San Juan MPS, katuwang ang mga tauhan ng 3rd Platoon, 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (ISPMFC).
Ang suspek, na residente rin ng Brgy. Refaro, San Juan, Ilocos Sur, ay nahaharap sa walong (8) bilang ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code. Naisagawa ang pag-aresto nang maayos at walang naitalang anumang insidente.
Patuloy ang San Juan Municipal Police Station sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na tiyakin ang pagpapatupad ng batas, mapanagot ang mga akusado, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: San Juan Ilocos Sur MPS



