Davao City – Nagpaabot ng tulong ang PNP para sa mga dating rebelde sa Brgy. Tamugan at Salaysay, Marilog District, Davao City nito lamang Martez, Abril 26, 2022.
Ang tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 13 na nakatalaga sa Marilog District, Davao City sa pamumuno ni PLt Ronnie Batingal sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Nolan Raquid, Chief, City Plans and Programs Unit/ R-PSB Overall Coordinator sa koordinasyon kay PMaj Jose Rodrigo Mendoza StaCom, PS12 Marilog ay nagtungo sa Brgy. Tamugan at Salaysay upang maipaabot ang tulong at donasyon nito.
Ang R-PSB Cluster 13 ay nakapagbigay ng anim na sako ng bigas at 150 na delata sa mga dating rebelde at kanilang mga pamilya na sumailalim sa deradicalization na ginanap sa Sitio Pangyan, Brgy. Tamugan, Marilog District, Davao City.
Ayon naman kay PLt Batingal, sa ganitong paraan ipinapakita ng PNP ang paghahatid tulong at pagbibigay halaga sa kanila.
Ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr, Regional Director ay patuloy na maghahatid ng tulong sa mga dating rebelde upang ipakita na pinapahalagahan sila ng PNP at maipadama ang serbisyo publiko ng gobyerno.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma