Baguio City – Nagsagawa ang Baguio PNP ng Runway for a Cause sa W. Forbes, Baguio Country Club, Baguio City nito lamang Linggo, Abril 24, 2022.
Ito ay fundraising event na tinaguriang “Ivy Fashion Ball III: Post Apocalypse”.
Ayon kay Police Major Maila Alog, Station Commander, Aurora Hill Police Station, ang runway event ay bahagi ng kanilang “Rampa Para sa Balik Eskwela” at kaugnay ng kanilang Project Namnamma: Crowdfunding Advocacies na naglalayong makalikom ng pondo para sa Balik Eskwela Program bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase.
Ayon pa kay PMaj Alog, ang aktibidad ay inorganisa ng WILVY Shows Entertainment Production sa pakikipag-ugnayan sa kanilang istasyon kung saan ibinida rin dito ang mga obra maestra ng local designers bilang suporta na rin sa kanilang mga negosyo.
Dumalo rin sa aktibidad bilang isa sa mga hurado si Ms. Bong Lee, PROCOR Officers’ Ladies Club Adviser at ang butihing maybahay ni PROCOR Regional Director, Police Brigadier General Ronald Lee.
Samantala, ang mga tampok na designers, brands at collectors sa nasabing aktibidad ay sina Maila Alog, Marvin Peñaflorida, Julie’s Creation by Julie Vergara, Sofia Loren, Ricmar Agas, Ron Montes, Lea Pocte, Zenny Pilsona, Stella Jesebel Velasco,Ariezz Lozano, Lheewhel Tokia at Bon Ryan Gonzales.
Dagdag pa ni PMaj Alog, ang Project Namnamma Crowdfunding Advocacies ay isang proyekto na kanyang inilunsad sa pakikipag-ugnayan sa mga Punong Barangay at Advocacy Support Groups upang makalikom sila ng pondo sa pamamagitan ng crowdfunding bilang suporta sa kanilang mga isinasagawang Community Assistance Development projects sa lungsod ng Baguio.
Isang patunay na ang Baguio PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagsugpo sa mga krimen bagkus pati na rin sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=320523816865279&id=100067229887274
###