Carmen, Cebu – Matagumpay na naaresto ng Cebu PNP ang isang 37 taong gulang na babae sa kasong Robbery nito lamang Lunes, Abril 25, 2022
Kinilala ni PLtCol Ronan Claravall, Force Commander, Regional Mobile Force Battalion 7, ang naaresto na si Jocelyn Conag, 37, residente ng Brgy. Taboc Camalig, Bato, Danao City, Cebu.
Ayon kay PLtCol Claravall, naaresto ang suspek bandang 12:15 ng tanghali sa Brgy. Poblacion, Carmen, Cebu sa isinagawang Joint Major Combat/Clearing Operation (OPORD 11-2022: “LUCA”) ng 701st Maneuver Company na pinangunahan ni PCpt Gerald Casalme at ng CMFC LCPO at Carmen Police Station.
Naaresto si Conag sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php72,000.
Hangad ng PNP na mabigyan ng katarungan ang ating mga kababayan na biktima ng mga kawatan, kaya patuloy ang mga ito sa paggawa ng kanilang mga hakbangin para sa matagumpay na adhikain.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido