Bohol – Nasabat ang tinatayang Php374K na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bohol PNP nito lamang Lunes, Abril 25, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang suspek na si Richard Pacang Fernandez, 41, residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion, Dauis, Bohol.
Ayon kay PBGen Vega, naaresto ang suspek bandang 10:40 ng gabi sa Purok 7, Brgy. Poblacion, Dauis, Bohol ng mga operatiba ng Police Drug Enforcement Unit, at Police Intelligence Unit ng Bohol Police Provincial Office.
Ayon pa kay PBGen Vega, nakuha kay Fernandez ang isang sachet at pitong plastic pack na naglalaman ng mahigit kumulang 55 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na Php374,000, buy-bust money, isang sling bag na ginamit bilang lalagyan at isang cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hangad ng kapulisan na panatilihing ligtas ang bawat mamamayan mula sa komunidad na kanilang nasasakupan, at sugpuin ang iba’t ibang uri ng kriminalidad, maging ang problema sa ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio