Saturday, November 23, 2024

3 arestado sa PNP-Task Force checkpoint matapos mahulihan ng baril at ilegal na droga sa Davao City

Davao City – Arestado ang tatlong indibidwal matapos mahulihan ng mga baril at ilegal na droga habang sumasailalim sa PNP-TF checkpoint operation sa Calinan District, Davao City, noong Abril 23, 2022.

Kinilala ni PMaj Jack Tilcag, Station Commander ng Calinan Police Station, ang mga suspek na sina Gerald Garcia, 30, residente sa Purok Dugso, San Pedro, Panabo City; Michael Garcia, 25, residente ng Panabo City; at Jenelyn Masernas, 25, residente ng Quezon, Bukidnon.

Ayon kay PMaj Tilcag, nakuha mula sa mga suspek ang apat na katamtaman at pitong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang apat na gramo na may street market value na Php64,000 at mga parapernalya.

Maliban rito, nakuha rin mula sa mga suspek ang isang cal. 9mm pistol na may isang magazine na naglalaman ng pitong rounds ng cal. 9mm live na bala; isang pirasong dagdag na cal. 9mm magazine na naglalaman ng pitong rounds ng cal. 9mm live ammunition, at isang unit .357 revolver na may kargang limang rounds ng .357 live ammunition.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang sampahan ng kasong paglabag sa Sec.13 at Sec. 14 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Sec. 32 ng RA 7166 o Synchronized National and Local Election.

Ang matagumpay na pagharang sa nasabing mga kontrabando ay nagpapakita kung gaano kadedikado ang PNP sa pagpuksa ng paglaganap ng ilegal na droga sa Rehiyon onse.

Dagdag pa rito, mahigpit ang pagpapatupad ng PNP ng COMELEC Gun Ban sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga checkpoint.

###

Panulat ni Patrolman Alfred Vergara

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles