Tabuk City – Agad na nirespondehan ng mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company ang nangyaring sunog sa isang lupang sakahan at pastulan sa Sitio lleb, Nambaran, Tabuk City, Kalinga noong Abril 23, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant James Pangog, Duty Officer ng 1st Kalinga PMFC, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na humihingi ng tulong sa isang sunog na naganap sa nasabing barangay sa likod ng isang resort.
Ayon pa kay Police Lieutenant Pangog, matagumpay na naapula ang tinatayang isang ektaryang lupang sakahan at pastulan na nasusunog dahil sa mabilis na aksyon at pagtutulungan ng mga kapulisan at mga residente ng Sitio Ileb.
Bukod dito, naiwasan ding madamay na masunog pa ang katabing lupang sakahan o pastulan.
Ang PNP ay laging handang tumulong anumang oras na kailangan ng mamamayan para protektahan at panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan sa pamayanan.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3056887511240667&id=100007583447743
###
Panulat ni Patrolman Joven F Silawan