Serbisyong Nararamdaman: PNP-PCADG, pinangunahan ang “Project Balik-Eskwela” para sa mga kabataang Aeta sa Pampanga

0
111

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-31 Police Community Relations (PCR) Month, matagumpay na isinagawa ng Philippine National Police–Police Community Affairs and Development Group (PNP-PCADG) ang “Project Balik-Eskwela” noong Hulyo 14, 2026, sa Camias Resettlement Elementary School, Barangay Camias, Porac, Pampanga.

Sa pangunguna ni PBGen Vina H. Guzman, Director ng PCADG, nabuo ang isang malawak na pagtutulungan kasama ang PCADG Advisory Group, MJ Cares, PNP Kataguyod, at Pampanga Police Provincial Office (Pampanga PPO) sa pamumuno ni PCol Ricardo M. David. Sama-samang ipinamahagi ng mga katuwang ang school supplies at gift packs upang makatulong sa mga mag-aaral na Aeta sa kanilang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Higit pa sa simpleng pamamahagi ng kagamitan, naging simbolo ang programa ng malasakit, pagkakaisa, at patuloy na pangako ng PNP na suportahan ang mga pangarap ng kabataang Pilipino. Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga tagapagtaguyod ng programa kina Principal Magdaleno M. Mabag, Teacher III Rizelle Ann Manzano, at sa PCADG Artists na nagbigay ng inspirasyon at saya sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok.

Sa pamamagitan ng mga programang pangkomunidad tulad ng “Project Balik-Eskwela,” patuloy na pinatitibay ng PNP ang ugnayan nito sa mamamayan, kasabay ng pagsusulong sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na nagsisilbing gabay sa paghahatid ng makabuluhan, tapat, at responsableng serbisyo para sa sambayanang Pilipino.

Source: PCADG

Leave a Reply