Php212K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat sa Bukidnon; driver, arestado

0
43

Nasabat ang nasa Php212,000 halaga ng smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakadakip ng isang driver sa isinagawang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Regional Border Control Point (RBCP) sa Sitio Forchacu IV, Brgy. Malinao, Kalilangan, Bukidnon bandang 9:30 ng gabi nito lamang Hulyo 12, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “AJ”, 30 anyos, residente ng Lumbatan, Lanao del Sur, na dinakip ng pulisya matapos mabigong magpakita ng legal na dokumento sa kargang 265 reams ng smuggled na sigarilyo na walang tatak na government health warning stickers na nagkakahalaga ng Php212,000 sa kanyang minamaneho na metallic gray Toyota Revo.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, Kalilangan Municipal Police Station, Bukidnon Police Provincial Office, 1003rd Maneuver Company and Tactical Support Company ng RMFB 10, CIDG-Bukidnon, at Misamis Oriental Maritime Police Station,

Our border checkpoints remain a strong line of defense against smuggling activities. We will continue to strengthen our enforcement efforts and work closely with partner agencies to ensure that violators are held accountable under the law, saad ni RD Abrahano.

Leave a Reply