Currimao, Ilocos Norte – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Acts of Lasciviousness sa operasyon ng PNP nitong Linggo, ika-24 ng Abril 2022.
Kinilala ni Police Major Romnick Subia, Provincial Chief ng Criminal Investigation and Detection Group ng Ilocos Norte Provincial Field Unit, ang suspek na si Marlone Digo y Albino, 45, residente ng Barangay Salugan, Currimao, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Major Subia, bandang 5:30 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Ilocos Norte Provincial Field Unit, Currimao Municipal Police Station, Ilocos Norte Provincial Highway Patrol Team, Provincial Intelligence Unit Police Provincial Office, Provincial Investigation and Detective Management Branch.
Dagdag pa ni Police Major Subia, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Art 336 ng Revised Penal Code kaugnay sa Sec. 5 (B) ng RA 7610 na may rekomendadong piyansa na Php180,000.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez