Matagal ng naninirahan sa ilalim ng tulay ang pamilyang Interior sa Brgy Tariwara, Pandan, Catanduanes.
Nakita ng kapulisan ang kalagayan ng pamilya kaya hindi nagdalawang-isip na tulungan at ilipat sa mas maayos at ligtas na lugar.
Sa ilalim ng Project Munting Pabahay ng 2nd PMFC 4th Platoon Oga Detachment sa pangangasiwa ni PLt Louie James Amoy katuwang ang Tau Gamma Phi, AKRHO, DENR casual employees, PSAT Batch 2002, Pandan MPS sa loob ng limang (5) araw, matagumpay na nabuo ang bagong tirahan ni nanay Lydia Interior, 40 taong gulang, may dalawang anak, may asawa ngunit ito ay may kapansanan (bingi at pipi) at meron din itong iniindang sakit sa baga.
Masaya at maayos na turnover ang nasabing bahay sa pamilya ni nanay Lydia. Maluha-luha at hindi makapaniwala na mayroon na silang isang ligtas na tirahan.
Patuloy ang kapulisan ng Police Regional Office 5 sa pagsasagawa at pagpapatupad ng adhikain ng ating butihing Regional Director, PBGen Jonel Estomo na mailapit at ipadama sa bawat mamamayan ng Bicol Region ang presensya ng mga kapulisan.
#####
Article by Patrolman Christopher D Ignacio