Safer Cities Initiative, patuloy na pinalalakas ng Cebu PPO; 451 violators, naaresto

0
115

Umabot sa 451 ang lumabag sa iba’t ibang lokal na ordinansa ang naaresto ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang Safer Cities Initiative at anti-criminality operations sa buong lalawigan noong Hulyo 6, 2026.

Naitala ang mga paglabag sa traffic ordinances, pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, curfew para sa mga menor de edad, paninigarilyo sa pampublikong lugar, at iba pang lokal na ordinansa sa ipinatupad na 248 police operations sa buong lalawigan.

Ayon kay Police Regional Office 7 Regional Director PBGen Arnold Evangelista Abad, patunay ang kampanya ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at pakikipagtulungan sa komunidad.

Samantala, tiniyak naman ni PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng CPPO, na magpapatuloy ang pinaigting na pagpapatrolya at pagpapatupad ng mga ordinansa upang mapanatiling ligtas, maayos, at disiplinado ang mga komunidad sa ilalim ng adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply