Tuguegarao CPS, nakiisa sa bloodletting activity sa Tuguegarao City

0
234

Matagumpay na nakiisa ang mga tauhan ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office, sa isinagawang bloodletting activity ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce of Tuguegarao Inc. na ginanap sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan noong Hulyo 5, 2026.

Ang pakikilahok ng Tuguegarao CPS sa nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy nitong pagsuporta sa mga programang naglalayong makapag-ipon ng sapat na suplay ng dugo at mahikayat ang mas maraming mamamayan na maging boluntaryong blood donor upang makatulong sa pagliligtas ng buhay.

Sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo, ipinakita ng mga pulis ang kanilang malasakit at kahandaang tumulong hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi maging sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng isang makataong adhikain.

Ang aktibidad ay sumasalamin sa patuloy na paghahatid ng “Serbisyong Nararamdaman” ng kapulisan, na laging handang maglingkod at maging katuwang ng komunidad sa pagliligtas ng buhay at pagsusulong ng kabutihang panlahat.

Source: Tuguegarao Component City Police Station

Leave a Reply