1st Cagayan PMFC, nakiisa sa Youth Leadership Summit 2026

0
156

Nakiisa ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Youth Leadership Summit 2026 na may temang “Voices of Vision, Leaders of Action,” na ginanap sa Cagayan Farm School, Brgy. Anquiray, Amulung, Cagayan noong Hulyo 4, 2026.

Dumalo bilang resource speaker si PCpl Jeric D. Capili ng 3rd Mobile Force Platoon, kung saan nagbahagi siya ng kaalaman hinggil sa Anti-Terrorism Awareness, Republic Act No. 7610, at Crime Prevention. Sa kanyang talakayan, hinikayat niya ang mga kabataan na maging mapanuri, responsable, at aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Nagkaroon din ng isang makabuluhang open forum kung saan malayang nakipagpalitan ng pananaw ang mga mag-aaral at nagbigay ng mga katanungan kaugnay ng mga paksang tinalakay. Ipinakita ng kanilang aktibong partisipasyon ang kahandaan nilang maging responsableng mamamayan at mga lider na may malasakit sa kapwa at sa kapakanan ng kanilang pamayanan.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan at sektor ng edukasyon sa paghubog ng mga kabataang may disiplina, pananagutan, at malasakit sa kapwa, tungo sa isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply