Rank 10 Most Wanted Persons sa kasong paglabag sa R.A, 9165, arestado sa Cebu

0
338

Arestado ang isang lalaking Rank 10 Regional Most Wanted Person sa isinagawang warrant of arrest ng mga awtoridad sa Minglanilla Municipal Jail, Brgy. Tulay, Minglanilla, Cebu Hulyo 2, 2026.

Kinilala ni PCpt Gabriel P Mota, Officer in-Charge ng PS9, Cebu City Police Office ang suspek na si alyas “Alex”, 27-anyos na kasalukuyang residente ng Sitio Mansanitas ward 2 Poblacion, Minglanilla, Cebu.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 76, Naga City, Cebu.

Ang matagumpay na pag-aresto ay nagpapakita ng patuloy na kampanya ng CCPO laban sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga kautusan ng hukuman sa ilalim ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply