Nakiisa ang mga tauhan ng South Cotabato Police Provincial Office sa Orientation on School Security and Safeguarding Programme na isinagawa noong Hulyo 4, 2026 sa South Cotabato.
Ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng seguridad at kaligtasan sa mga paaralan ng kapulisan, Local Government Unit, magulang, at Department of Education.
Bilang mga resource speaker ng Philippine National Police (PNP), pinangunahan nina PSMS Ritcher G. Galas, PMSg Javier, at PSSg Roullo ang talakayan hinggil sa School Security and Safeguarding.
Tinalakay ang kahalagahan ng pagpapatupad ng epektibong security measures, pagpapalakas ng kahandaan sa mga emergency, pag-iwas sa krimen sa loob ng mga paaralan, at pagpapaigting ng koordinasyon sa pagitan ng mga institusyong pang-edukasyon, mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas, at iba pang katuwang sa komunidad upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.
Nagtapos ang programa sa isang open forum kung saan aktibong nakibahagi ang mga dumalo sa pagtatanong at pagbabahagi ng mga isyu kaugnay ng kaligtasan sa paaralan.
Muling pinagtibay ng South Cotabato Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Samuel T Cadungon, Provincial Director, ang kanilang pangako na suportahan ang mga paaralan sa pamamagitan ng patuloy na information drive, preventive education, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maisulong ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko na naka-angkla sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



