Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Mapandan Municipal Police Station (MPS) ang isang indibidwal na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Qualified Theft noong Hulyo 3, 2026, bandang alas 8:03 ng gabi sa Barangay Poblacion, Mapandan, Pangasinan.
Kinilala ang naaresto sa alyas na ”Mau”, 30 taong gulang, residente ng Barangay Nilombot, Mapandan, Pangasinan. Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga operatiba ng Mapandan MPS sa pangunguna ni PLt Wilson F. Iral, Officer of the Day, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Dorothy Jimenez Alarcio-Padilla, Presiding Judge ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 42, Dagupan City.
Nahaharap ang akusado sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code, na may Criminal Case No. 2026-0688-D. Ayon sa kautusan ng hukuman, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa Mapandan Community Hospital para sa kaukulang medical examination bago isinailalim sa kustodiya ng Mapandan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng Pangasinan Police Provincial Office ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga taong may kinahaharap na kaso upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Mapandan MPS



