Sinampahan na ng kaukulang mga kaso ng Police Regional Office 8 (PRO-8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, ang tatlong suspek sa insidente ng kidnapping at pagpatay sa dalawang negosyante sa Mayorga, Leyte, noong July 2, 2026.
Dalawang bilang ng Kidnapping with Homicide ang isinampa ng kapulisan sa Office of the Provincial Prosecutor sa Abuyog, Leyte Sub-Office sa pamamagitan ng inquest proceedings habang nasa ilalim pa ng kustodiya ng Mayorga Municipal Police Station ang nasabing mga suspek.
Kinilala ang mga kinasuhang indibidwal na sina alyas “Kim,” “Reniel,” at “Mark,” na inaresto sa isinagawang joint law enforcement operation sa Pasay City, Metro Manila noong June 30, 2026. Kung saan nanguna sa operasyon ang mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group (AKG) katuwang ang Police Regional Office 8 (PRO-8) at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
“The filing of charges marks a significant step toward justice for the victims. We will continue to pursue all those responsible and ensure they are held accountable under the law,” giit pa ni PBGen Capoy.
Alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” mananatiling nakatutok ang PRO8 sa pagpapaigting sa lahat ng mga kampanya nito kontra kriminalidad upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko at kapayapaan ng buong Eastern Visayas.



