Davao del Norte – Umani ng 233 kilograms ng mais ang Tata Ata-Manobo Farmers Association sa tulong ng Revitalized-Pulis sa Barangay sa Sitio Naputkalan, Brgy. Sto Niño, Talaingod, Davao del Norte, nito lamang Biyernes, Abril 23, 2022.
Sa pangunguna ni PLt Mick Puerto, Team Leader, tinulungan ng mga tauhan ng R-PSB ang miyembro nito na si Ginoong Florendo Andilong isa sa mga benepisyaryo ng corn seed program mula sa Provincial Agriculturist Office at Municipal Agriculturist Office sa pag-aani ng mais.
Ang 233 kilo ng mais ay naibenta sa halagang Php3,500 na malaking tulong upang maitawid ang kanilang pamumuhay.
Higit pa rito, ang livelihood program na ito ay magbibigay ng tulong sa bawat miyembro ng asosasyon.
Ito ay naglalayong paunlarin ang programang pangkabuhayan ng asosasyon sa tulong ng R-PSB team, sa pamamagitan ng pagbibigay at paglalapit ng mga programa ng pamahalaan kaugnay ng Executive Order No. 70-End Local Communist Armed Conflict sa bansa.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita