Davao City – Arestado ng puwersa ng PNP ang isang 19 anyos na lalaki bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape at 4 counts of Lascivious Conduct sa Davao City, nito lamang Sabado, Abril 23, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana Police Station 1, ang suspek na si Bernard Juri Noples Valenzona, 19, residente ng nasabing lugar at tinaguriang Top 47 Most Wanted Person sa City Level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa Block 47, Brgy. 22-C Paiapi Blvd., Davao City sa pinagsamang tauhan ng Sta. Ana Police Station 1 at CIDG – Davao City Field Unit para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa at Php200,000 naman kada isa para sa kasong Lascivious Conduct.
Nais ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director na protektahan ang mga kababaihan at mamamayan sa mga ganitong uri ng krimen sa kanilang patuloy na pagtugis sa mga lumabag sa nasabing batas.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara