Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat – Pinagkalooban ng pamahalaan ng Sultan Kudarat ng tig-iisang unit na pabahay ang sampu na dating rebelde katuwang ang PNP at AFP sa Sitio Le Mangga, Brgy. Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat noong Abril 22, 2022.
Ayon kay Police Major Rodney Binoya, Officer-in-Charge ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, ang aktibidad ay dinaluhan nila Ms. Zenaida Cabiles, Regional Manager National Housing Authority XII; Engr. Reynaldo Bernal,TESDA Specialist SK; Datu Yahiya Senenggayan, Provincial ELCAC Focal Person; Zenaida Guiano, DOST Provincial Director; Hon Randy Ecija, Municipal Mayor; PLtCol Michael Odejerte, DPDA SKPPO; Col Michael Santos, 603 BC (PA); LtCol Frederick Chicote,7IB; LtCol Donald Hugo, 549 Engineering Cons., PA; Hon. Suharto Mangudadatu, Provincial Governor; at Hon Joseph Ortiz, Kagawad ng Lupon ng Panlalawigan.
Ang proyektong pabahay ay itinatag sa pagsisikap ng Pambansa at Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay PMaj Binoya, sampu na dating rebelde kasama ang kanilang mga pamilya ang tumanggap ng Housing units mula sa Gobyerno.
Hinihikayat naman ni PMaj Binoya ang mga kapatid na naligaw ang landas o mga pinuno ng mga teroristang grupo na nag-aalyansang labanan ang ating pamahalaan na sumuko at magbagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya dahil madami ang programa na nakalaan para sa kanila.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin