Polillo PNP, nakiisa sa Serbisyo Caravan 2026

0
40

Nakiisa ang mga miyembro ng Polillo Municipal Police Station sa isinagawang Serbisyo Caravan 2026 nito lamang Hunyo 25, 2026 sa Barangay Sabang, Polillo, Quezon.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Angelique E. Bosque, Municipal Mayor, katuwang ang kapulisan na nagbigay ng police visibility upang mapanatili ang kaayusan, nagbigay ng seguridad at nagsagawa rin ng pag-iisyu ng National Police Clearance.

Patuloy na sinusuportahan ng hanay ng Polillo PNP ang mga programang pangkomunidad na naglalayong maghatid ng serbisyong may malasakit, magpatibay ng ugnayang kapulisan at mamamayan tungo sa payapa at maunlad na bansa na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply