Tabuk City, Kalinga – Tinatayang Php2,640,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga operatiba ng Cordillera PNP sa Sitio Katao, Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga bandang 7:00 hanggang 9:00 ng umaga ng Abril 21, 2022.
Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag, Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15, Tabuk City Police Station, Regional Intelligence Unit, Kalinga PPO at Regional Drug Enforcement Unit ang operasyon sa ilalim ng “PROCOR’s Oplan Summer “.
Ayon pa kay Police Colonel Tagtag, nadiskubre ng mga operatiba ang 13,000 piraso ng fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php2,640,000.
Agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang nadiskubreng mga marijuana sa mismong lugar ng taniman kung saan walang nahuling marijuana cultivator.
Ang matagumpay na operasyon na ito ng Cordillera PNP ay isa lamang resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=5325341500829357&id=100000606785816
###
Panulat ni PSSg Amyl Cacliong