Pasay City — Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong Murder sa manhunt operation ng Pasay City PNP nito lamang Biyernes, Abril 22, 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg ng Southern Police District ang akusado na si Eduardo Guial y Baladad, 31, at residente ng Primayo De Mayo St., Pasay City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang alas-3:00 ng hapon nahuli si Guial sa kahabaan ng Lilak St., Putatan, Muntinlupa City ng mga tauhan ng Warrant at Subpoena Section ng Pasay CPS, at 5th MFC-RMFB, NCRPO.
Naaresto si Guial sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na inisyu ni Hon. Elinita Carlos Dimaguila, Judge ng RTC Branch 112, Pasay City.
Pinapurihan ni PBGen Macaraeg ang walang tigil na manhunt operations ng Pasay City PNP na naging dahilan ng pagkakaaresto ng mga pinaghahanap ng batas. Aniya, “Habang ibinaba tayo sa alert level 1, titiyakin namin sa inyo na hindi kami uupo sa halip ay magsasagawa kami ng mas mahigpit na manhunt operations upang mahanap at arestuhin ang iba pang mga wanted.”
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos