San Mariano, Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Isabela PNP sa Sitio Lucban, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela noong Abril 21, 2022.
Naghandog ng palaisdaan sa Subli-Dibulan Association alinsunod sa Project SUBLI (Sarili mo’y Uusad Biyayang pangkabuhayan Laan na aming Igagawad) ng rehiyon.
13,000 tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pinakawalan sa nasabing palaisdaan.
Layon ng programa na mabigyan ng pagkakakitaan ang mga residente sa lugar upang matulungan silang maitawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nagkaroon ng Medical at Dental Mission, libreng gupit, at feeding program.
Nabigyan din ang 253 benepisyaryo ng food packs, damit, regalo, bitamina at iba pang gamot.
Napasaya din ang mga bata sa handog na bagong pares ng mga tsinelas.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, katuwang ang BFAR, Municipal Agriculture Office ng San Mariano, National Commission on Indigenous Peoples, Dr. Shiela Velasco, Dr. Wilfredo Alberto, at iba pang mga stakeholders.
Siniguro din ng Isabela PNP na patuloy silang gagawa ng paraan upang maipaabot at maipadama sa mga mamamayan ang mga programa, benepisyo, at malasakit ng pamahalaan lalo na nitong panahon ng pandemya.
Source: 1st Isabela Provincial Mobile Force Company
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes