Camp Sotero Cabahug, Cebu City – Nakumpiska ang tinatayang Php6.8 milyon na halaga ng shabu sa suspek na naaresto sa buy-bust operation ng PNP sa Cebu City nito lamang Sabado, Abril 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador Tagle, City Director ng Cebu City Police Office, ang naarestong suspek na si Lyle Gonzales Padilla alyas “Bawaw”, 34, residente ng Brgy. Duljo Fatima, Cebu City.
Ayon kay PCol Tagle, ang suspek ay kabilang sa High Value Individual sa rehiyon 7 at naaresto ito bandang 6:00 ng umaga sa Brgy. Mambaling, Cebu City sa magkatuwang na operasyon ng mga tauhan ng Police Station 11, CCPO at PDEA 7.
Nakuha mula sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 1,010 gramo at may Standard Drug Price na Php6,868,000 at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng maayos at pinaigting na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng PNP katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa nasabing rehiyon.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan