Cotabato City – Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group ang isa sa mga suspek sa nangyaring “Maguindanao Massacre” noong 2009 sa BARMM Compound, Cotabato City nito lamang Abril 20, 2022.
Kinilala ang suspek na si Datu Harris Ampatuan Macapendeng, ang incumbent Brgy. Captain ng Tuayan, Datu Hoffer sa lalawigan ng Maguindanao na may monetary reward na Php300,000 sa ilalim ng DILG Memo Circular 2010-76.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 43 counts of Murder na inisyu ni Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City RTC Branch 221.
Si Macapendeng ay bahagi ng Ampatuan private army at kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong kung saan ang mga Ampatuan ay nagplano ng masaker at kasama sa pagpatay sa 58 katao noong Nobyembre 2009.
Ang pag-aresto kay Macapendeng ay isang patunay na hindi natutulog ang batas at hustisya.
Ang CIDG ay laging handang isulong at ipatupad ang batas upang managot ang mga nagkasala at mabigyan ng hustisya ang mga nagdadalamhating biktima at kanilang pamilya.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz