Bani, Pangasinan – Arestado ang Top 3 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Statutory Rape sa Manhunt Operation ng Pangasinan PNP nitong Miyerkules, Abril 20, 2022.
Kinilala ni Police Major Dennis Cabigat, Officer-in-Charge ng Bani Municipal Police Station, ang suspek na si Alexander Campanero y Abalos, 40, residente ng Barangay Dusoc, Bayambang, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Cabigat, bandang 3:05 ng hapon naaresto ang suspek sa Barangay Centro Toma, Bani, Pangasinan sa pinagsanib puwersa ng Bayambang Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company-Alaminos City.
Dagdag pa ni Police Major Cabigat, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: Bani Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan