Tolosa, Leyte – Naaresto ang Top 9 at Top 10 Most Wanted Person ng Tolosa Municipal Police Station sa Dulag, Leyte nito lamang Martes, Abril 19, 2022.
Kinilala ni Police Captain John Anthony Sanchez, Acting Chief of Police ng Tolosa MPS ang mga naaresto na sina Mark Anthony Suyom Torion alyas “Tamisi”, 30, mangingisda at Julius Suyom Ortiz alyas “Embe” na parehong residente ng Brgy San Jose, Dulag, Leyte.
Ayon kay PCpt Sanchez, nahuli ang mga suspek bandang hapon ng Martes sa Brgy San Jose, Dulag, Leyte sa ikinasang operation Manhunt Charlie ng mga operatiba ng Tolosa Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCpt Sanchez, si Torion at Ortiz ay may standing Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec. 92 ng RA 10654 (Fishing Through Explosive) na may inirekomendang piyansa na Php36,000.
Pinuri naman ni PCpt Sanchez ang pagsusumikap ng kanyang mga tauhan sa matagumpay an pagkahuli ng mga suspek at pinasalamatan ang publiko sa kanilang suporta sa pagbibigay ng impormasyon laban sa nagtatagong mga may pananagutan sa batas.
###