Villanueva, Misamis Oriental – Arestado ang isang lalaki sa joint operation ng Villanueva PNP sa kasong paglabag sa PD 1865 sa Purok 4, Barangay. San Martin, Villanueva, Misamis Oriental nitong ika-19 ng Abril 2022.
Kinilala ni Police Major Dennis Cerilla, Officer-in-Charge ng Villanueva Municipal Police Station, ang suspek na si Francis A. Tale, 24 at residente ng Purok 4, Barangay. San Marin, Villanueva, Misamis Oriental.
Ang suspek ay naaresto bandang 10:30 ng umaga sa nasabing lugar ng pinagsanib na puwersa ng Villanueva Municipal Police Station, Regional Intelligence Division at Bureau of Fire Protection-Villanueva sa paglabag sa Presidential Decree 1865 o ang batas na pinagbabawal ang ilegal na pagbenta ng produktong petrolyo.
Nakumpiska kay Tale ang anim na drum/barrels na naglalaman ng tinatayang 800 litro ng petrolyo na nagkakahalaga ng Php54,000; 70 pirasong walang laman na drum/barrels at 20 litro na walang laman na plastic container.
Ang Philippine National Police ay palaging alerto upang mapigilan ang iba’t ibang ilegal na gawain, kriminalidad at terorismo.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo / RPCADU 10