Agusan del Sur – Arestado ang Top 6 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape sa isinagawang Joint Operation ng Agusan del Sur PNP nito lamang Huwebes, Abril 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jovito Canlapan, Officer-in-Charge ng Agusan del Sur Police Provincial Office, ang nadakip na si Menardo Sarandonan alyas “Nard”, 60, magsasaka at residente ng P-1, Tribal, Brgy. Pag-asa, Sta Josefa, Agusan Del Sur.
Ayon kay PCol Canlapan, bandang 9:30 ng umaga nang maaresto si Nard sa P-7, Brgy. Tapaz, Sta. Josefa ng mga tauhan ng Sta. Josefa Municipal Police Station at Claveria Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Ang Philippine National Police ay patuloy ang pagpupursigi na makulong ang mga Wanted at Most Wanted Person upang mapangalagaan ang ating komunidad lalung-lalo na ang ating mga kababaihan.
###
Panulat ni Patrolman Romulus Villalon/RPCADU 13