Tayabas City, Quezon – Arestado ang Top 4 Most Wanted sa kasong paglabag sa RA 7610 sa operasyon ng Quezon PNP nitong Miyerkules, Abril 19, 2022.
Kinilala ni Police Major Romar Pacis, Chief of Police ng Tayabas City Police Station, ang suspek na si Melvin Moredo Villere, 36, driver, residente ng Promise Land Village, Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon.
Ayon kay Police Major Pacis, bandang 8:37 ng umaga naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng pinagsamang puwersa ng Tayabas City Police Station, 1st at 3rd Platoon ng 1st Quezon Police Mobile Force Company.
Ayon pa kay Police Major Pacis, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section10 ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Exploitation and Discrimination Act na may rekomendadong piyansa na Php120,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang tagumpay ng PNP laban sa taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon