Binangonan, Rizal – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong paglabag sa RA 9165 sa manhunt operation ng Binangonan PNP nitong Martes, Abril 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Zaldy Raosa Cal, 40, residente ng Mabuhay Homes, Brgy. Darangan, Binangonan Rizal.
Ayon kay Police Colonel Baccay, bandang 5:20 ng hapon naaresto ang suspek sa Brgy. Mahabang, Parang, Binangonan, Rizal ng Binangonan Municipal Police Station.
Dagdag pa ni Police Colonel Baccay, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest (service of sentence) sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Rizal PPO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis C Arellano