City of Ilagan, Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Isabela PNP sa Camp Lt Rosauro D Toda Jr, City of Ilagan, Isabela noong April 19, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Julio Go, Acting Provincial Director, Isabela Police Provincial Office bilang pagdaraos ng kanyang ika-100 araw sa rehiyon katuwang ang iba pang sector ng pamahalaan.
Nasa 200 mga miyembro ng Indigenous People (IP) at mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang nabigyan ng libreng eye consultation, medical check-up/consultation, dental extraction, dental services at feeding program.
Namahagi rin ng free eye glasses, food packs, hygiene kit, gamot at bitamina, at mga tsinelas para sa mga bata.
Naging matagumpay ang aktibidad katuwang ang National Intelligence Coordinating Agency Region 2, National Commission on Indigenous People San Mariano, Isabela Provincial Health Office at Federation Citizen Crime Watch Special Task Force Region 2.
Layuning nitong mabigyan ng pangunahing serbisyong gobyerno ang mga mamamayan na lubos naapektuhan ng pandemya at mabigyan ng bagong buhay ang mga dating rebelde kasama ang kanilang pamilya.
Source: Isabela Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi