San Jacinto, Pangasinan – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person sa kasong Murder sa operasyon ng San Jacinto PNP noong Abril 19, 2022.
Kinilala ni Police Major Jordan Tomas, Chief of Police ng San Jacinto Municipal Police Station, ang suspek na si Jake Anthony Bernardo y Veril, 33, may asawa, walang trabaho, residente ng Barangay Guibel, San Jacinto, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Tomas, bandang 12:20 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng San Jacinto PNP.
Ayon pa kay Police Major Tomas, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder (Art. 248 of RPC) na walang rekomendadong piyansa.
Ang San Jacinto PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa mga wanted persons para mapanatiling ligtas at maayos ang mga mamamayan sa anumang krimen.
Source: San Jacinto Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal