Wanted sa qualified trafficking, naaresto sa intelligence-driven operation ng Bulacan PNP

0
97

Isang 76-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa dalawang kaso ng qualified trafficking ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang intelligence-driven operation sa bayan ng Angat, Bulacan noong Mayo 29, 2026.

Pinangunahan ng Tracker Team ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police Provincial Office ang operasyon, katuwang ang mga tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Angat Municipal Police Station. Naging matagumpay ang pagdakip matapos ang masusing pangangalap ng impormasyon at target monitoring na isinagawa ng mga operatiba.

Naaresto ang suspek sa isang bukirin sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Malolos City para sa dalawang bilang ng Qualified Trafficking sa ilalim ng Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng Republic Acts No. 10364 at No. 11862. Ang mga naturang kaso ay walang inirekomendang piyansa.

Pinuri ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang mga operatibang nagsagawa ng operasyon at binigyang-diin ang mahalagang papel ng intelligence work sa pagtunton at pag-aresto sa mga wanted person. Aniya, “This accomplishment highlights the effectiveness of intelligence-led police operations. Through diligent information gathering, coordination, and surveillance, our personnel successfully located and arrested an individual wanted by the courts. PRO3 remains steadfast in ensuring that persons facing criminal charges are held accountable under the law.”

Bahagi ang matagumpay na operasyon ng pinaigting na kampanya ng PRO 3 laban sa mga wanted person bilang suporta sa Focused Agenda ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., PNP Chief, at pagsusulong sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 3 / Bulacan PPO

Leave a Reply