Malabon City — Timbog ng PNP ang Top 2 Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa Malabon City kahapon, Abril 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Albert Barot, Chief of Police ng Malabon City Police Station ang akusado na si Charlie Valenzuela y Manahon, 43 at residente ng Barangay Dampalit, Malabon City.
Ayon kay PCol Barot, bandang 11:15 ng umaga nang mahuli si Valenzuela sa kahabaan ng Sioson St., Barangay Dampalit, Lungsod ng Malabon sa joint operation ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police Station, Sub-Station 7 ng Malabon CPS, at 4th MFC RMFB-NCRPO.
Naaresto si Valenzuela sa bisa ng tatlong (3) Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (3 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Tiniyak ni PCol Barot na ang kanyang hanay ay patuloy na paiigtingin ang paghahanap sa mga Wanted Person na nasa kanyang nasasakupan.
SOURCE: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos