Cebu City – Nagsagawa ang PNP ng Duterte Legacy Caravan sa Camp Sergio Osmeña, Sr sa Cebu City nitong araw ng Miyerkules, Abril 20, 2022.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni PBGen Roque Eduardo Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7 at malugod na dinaluhan at sinuportahan ni PLtGen Rhodel Sermonia, Deputy Chief PNP for Administration na siyang focal person ng nasabing programa.
Dumalo rin sa naturang programa si USec Joel S Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security; USec Jonathan E Malaya, Undersecretary for Plans, Public Affairs and Communication, DILG; katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan maging ang mga Advocacy Support Group at Force Multipliers ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni PLtGen Sermonia ang kanyang taos pusong pasasalamat para sa mainit na pagtanggap ng Rehiyon 7, maging sa solidong suporta na ipinakita ng ating mga kababayan at ang patuloy na pakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating pamayanan.
Ibinida rin sa nasabing programa ng ilan sa mga nagsalita ang matagumpay na mga nagawa at mga epektibong pamamaraan ng kasalukuyang administrasyon upang labanan at tugunan ang problema sa ilegal na droga at insurhensiya sa ating bansa.
Samantala, sa nasabing programa ay nagkaroon din ng libreng konsultasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Tumanggap naman ang bawat dumalo ng mga relief goods at food packs na lubos naman na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga ito.
Patunay na ang PNP ay patuloy sa pamimigay ng tapat at tunay na serbisyo para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.
###
Mabuhay ang PNP salamat