Nueva Ecija – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person sa paglabag sa RA 9262 sa isinagawang Manhunt Operation ng San Jose PNP nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jess Mendez, Acting Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Jerry Miniano y Alipio, 40, residente ng Barangay Sibut, San Jose City, Nueva Ecija.
Ayon kay PCol Mendez, bandang 7:10 ng gabi naaresto ang suspek sa nasabing lugar ng pinagsanib na puwersa ng San Jose City Police Station at ng 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PCol Mendez, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na may piyansang Php224,000.
Ang San Jose PNP ay patuloy ang kampanya laban sa kriminalidad upang madakip ang lahat ng wanted persons sa nasabing lalawigan at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.
###
Panulat ni Patrolman John Lorenz V Ilagan