PRO2, CPPO, at 2nd PMFC pinarangalan ng Tuguegarao City Council

0
247

Pinarangalan ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao ang Police Regional Office 2 (PRO2), Cagayan Police Provincial Office (CPPO), at 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC) sa ginanap na regular session sa SP Session Hall, 3rd Floor, Tuguegarao City Hall nitong Mayo 19, 2026.

Personal na tinanggap ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO2, kasama si PCol Alberto A. Calimag, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), ang City Resolution of Commendation bilang pagkilala sa pagkakahirang ng PRO2 bilang “Best Regional Office of the Year” sa ginanap na Philippine National Police Anniversary Celebration noong Enero 29, 2026 sa Camp Crame, Quezon City.

Bukod dito, kinilala rin si PCol Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng CPPO, bilang “Best Senior PCO for Operations of the Year,” habang ginawaran naman si PMAJ Jefferson D. Mukay, Acting Force Commander ng 2nd PMFC, bilang kinatawan ng yunit na itinanghal na “Best Provincial Mobile Force Company of the Year.”

Ang mga naturang parangal ay bunga ng mahusay na pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at matibay na pakikipag-ugnayan sa komunidad at mga partner agencies.

Patuloy na pinatutunayan ng mga Valley Cops ang kanilang dedikasyon at kahusayan sa paghahatid ng tapat, maagap, at epektibong serbisyo publiko para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at paghahatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman sa Lambak ng Cagayan.

Source: PRO2

Panulat ni Pat Leinee C Lorenzo

Leave a Reply